Sept. 25-26, 2010, Sabado at Linggo – Ito ang petsa na maituturing kong dalawa sa pinakamakubuluhang araw sa buhay ko kaya hindi ko pwedeng palagpasin ang kwento sa likod nito.
Bakit nga ba natatangi ang Sabado at Linggo na ito sa lahat ng araw ko?
Karamihan sa mga tulad kong ngtatrabaho, o siguro kahit sa mga estudyante, ang Sabado at Linggo ang pinakahihintay na araw sa buong linggo. Sabado at Linggo means weekend. Bakasyon. Gimik day, movie day o SM/Trinoma day sa mga mahilig lumabas. Laba, linis, tulog, basa, DVD marathon day naman sa mga homebodies o mga taong-bahay. Pero kung ako lang ang tatanungin, lahat yan applicable sakin, plus minsan, elbi day or friendship day at lately, raket day yan, depende sa mood at availability ng fund ko.
Gaya ng ibang weekends ko, elbi days din ang mga araw na ito dahil nasa elbi ulit ako pero ang naging kaibihan nga lang eh hindi ako nagpunta ng elbi para makita at makasama ang mga kaibigan ko kundi para makakilala ng mga bagong kaibigan. Ayun, kakaiba talaga yun kasi kaya lang naman ako nagpupunta ng elbi kasi gusto kolang talaga makasama ang mga kaibigan ko. Ang Elbi ang masasabi kong pinakabisyo ko na hindi ko mapigilan kasi sa tuwing nandun ako kasama ang barkada ko at naalala ang aking buhay estdyante eh sumasaya talaga ako.
Pero bago pa ako mapalayo, babalik na ako sa dahilan kung bakit nga ba naging makabuluhan ang week-end na ito. Ito kasi ang weekend ng Encounter ko with God. Hindi ito ang unang beses kong dumalo sa isang retreat, pero ito na siguro ang pinaka-life changing retreat na nadaluhan ko kasi maraming bagay akong napagdesisyunang isuko at talikuran, at instant nagbago ang mga pananaw ko sa lahat ng aspeto ng buhay. Hindi ko alam kung paano ako ginising ni God pero parang in an instant, natauhan ako at nalaman ko andami ko pala talagang mga kasalanang nagawa at hindi ako pwedeng magdahilan kaso totoo naman lahat at kapag itinanggi ko eh, sarili ko lang din naman ang lolokohin ko at siguradong makasalanan pa din ako..
Siguro yung gumising sa akin ay yung video clip ng the Passion of the Christ, nung hinahagupit si Jesus kahit duguan na nung mga Pharisees at narealize ko grabe pala talaga ang hirap na dinanas niya para lang mailigtas tayo sa kaasalanan. Blessing in disguise na din siguro na never kong napanood ng buo yung movie na yun para maging mas makubuluhan sa akin yung retreat na ito.
II
Ni minsan hindi ko talaga naisip dati na someday tatalikuran ko ang relihiyong kinalakhan ko. Naniniwala kasi ako dati (hanggang ngayon) na hindi naman religion ang magliligtas sa atin at magdadala sa eternal life. Ang alam ko noon, basta may takot ka kay God at sundin ang sampung utos nya at gumawa ng mabuti ok na yun, sa langit ka na mapupunta so hindi ko na kelangan umalis sa Church na kinabibilangan ko. Tapos minsan nung nasa college ako, habang naglalakad ako, may lumapit sa akin at tinanong ako na kung mamatay dw ba ako sa sandaling iyon, alam ko na daw ba kung saan ako mapupunta. Siyempre nung una natakot ako kasi hindi ko talaga sigurado kung san nga ba? Tapos nag umpisa na sya magshare tungkol sa Bridge of Life at sinabi nya na si Jesus ang Bridge to Heaven. Nakinig ako pero parang sinasabi ng utak ko noon, alam ko na yan, ilang beses ko na narinig yan kaya hindi ko naman nainternalize yung message nya at hindi ko rin masyado naintindihan. Tapos nagpray pa ako kasama nya na tanggapin si Jesus sa heart ko. Ilang beses din naulit yung pangyayaring yun at laging ganun ang response ko hanggang sa dumating yung point na umiiwas na ako pag feeling ko magsishare na naman sila sa akin.
III
Out of respect ko sa paniniwala ng iba, open ako sa mga invitation sakin na umattend sa worship service ng ibang church as long as alam kong firm ang faith ko sa church na kinabibilangan ko. sabi ko masaya na ako sa religion ko nung pinanganak ako kaya hindi ako magpapabihag sa mga tinatawag ko dating “baduy at cornyng’ way ng pagworship. Dahil sa ayaw ko ngang mapabilang sa mga tulad nila, dumating ako sa point na tumatakas ako at tinataguan ko talaga ang friend ko na nag-iimbita sa akin. Ang sakin kasi ok lang na imbitahin ako umattend ng sa church nila basta wag lang iimpose at ipipilit sa akin na umattend sa kanila na parang member na din ako. Ang mali lang din sa akin, hindi ko rin kasi kayang sabihin yun nang harapan sa kaibigan ko kaya tumatakas ako.
Pero later in my college life, narealize ko na mali ang ginawa ko kasi si God ang tinakbuhan at tinanggihan ko hindi ang kaibigan ko kaya nung maging room mate ko ang sis ko sa org na very devoted and committed sa Christian life nya nung 4th year college na ako, hindi na ako tumatanggi sa mga imbitasyon nya kung free lang din naman ako. Ang naging kaibahan nya lang dun sa isang kaibigan ko eh, alam nya ang limitation nya pagdating sa pagsishare ng faith nya. Hindi nya kami pinipilit na sumama sa kanya at ni minsan, kahit araw araw kaming magkasama, hindi siya nag attempt na i-bible study kami. Ang naging impluwensiya nya lang akin personally ay maappreciate ang mga Christian music na araw-araw kong naririnig na pinapatugtog nya sa computer nya.
IV
Nitong nakaraang mga buwan at araw, parang bigla ko na lang naramdaman ang matinding paghahanap ko ng makakatulong sa akin na mag-grow spiritually. Naramdaman kong, hindi na ako sigurado kung tama nga ba ang mga tinuturo sa akin ng church na kinabibilangan ko. Alam kong para malaman ito, kelangan ko lang naman talaga basahin ang bible pero bakit parang ang hirap para sa akin na magbasa kahit isang chapter lang ng bible kada araw samantalagang pag novels, kaya kong magbasa ng dirediretso nang walang tayuan, at minsan nga wal pang tulugan? Dun ko inaccept na, kelangan ko nga ng tulong kasi hindi ko kayang mag-isa ito kaya binalikan ko ang room mate ko na sinabi ko na i-bible study nya ako. Siyempre ang unang reaksyon nya eh pagalitan ako kasi nga bakit ngayon lang daw kung kelan hindi na kami magkasama kaya irerefer nya na lang daw ako sa kapatid na kaibigan nya para i bible study ako.
V
Hindi ko alam na siseryosohin nya din pala yun kasi puro biruan ang usapan namin, kaya mejo nagulat pa ako nang makatanggap ako ng text inviting me to attend a BS meeting. Ang naging problema nga lang, nabura ko ang message nya nang hindi man lang ako nakakapagreply kaya nawala ko ang number nya. Nanghinayang ako kasi sa hindi mabilang na pagkakataon, nawala na naman yung isang way para mapalapit sa Kanya. Pero sabi nga sa bible, seek and you shall find, ask and you will receive kaya kahit hindi ko hiningi at naghanap lang ako, lumapit pa din si Lord sa akin kasi tinext ako ulit kaya hindi ko na pinakawalan ang pagkakataon na magbigay sa Kanya ng time kahit lately ay medyo busy na din ang schedule ko dahil sa isang raket ko.
VII
Sa madaling salita, inumpisahan ko na ang journey ko towards spiritual growth at ang nakakatawa, ang unang message na narinig ko ay tungkol sa sufferings. sabi ko ang swerte ko kasi wala pang suffering na matindi tindi na binigay si Lord sa akin. Sabi nung Pastor sa amin, darating talaga ang time na ihahumble tayo ni Lord at bibigyan talaga tayo ng matinding pagsubok kung hindi man tayo mismo eh ang mahal natin sa buhay. Pero wag tayong mabahala at panghinaan ng loob kasi ang sufferings ay part ng blessings kaya malugod natin tong tanggapin at sabihing “I welcome suffering” at sinabi ko naman.
VI
Ang galing talaga ni Lord kasi hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang response nya sa dasal ko. Nung gabi din mismo ng araw na iyon, habang nagbabasa ako ng bible, nakatanggap ako ng tawag mula sa amin na na-stroke daw ang tatay ko. Siyempre hindi ko maiwasang mag-alala at matakot nung una na baka kunin na nya ang tatay ko sa amin, kaya ang unang naging dasal ko ay “Lord, ang bilis naman ng pagsubok nyo, pero thank you pa rin kasi hiningi ko naman ito dahil alam kong part pa ito ng blessings nyo at alam kong hindi mo kami pababayaan” at nakiusap ako na huwag naman sana maging malala ang epekto ng stroke kay papa. Matinding pagsubok talaga yun kasi bago pa ko matanggap ng masamang balitang yun, nagkukuwenta ako ng kayamanan ko at mukhang nagkukulang ang sweldo ko sa akin lately kaya ang tanging pinanghawakan ko na lang ay ang promise nya na “I know all your needs and my grace is sufficient for you” at ang overflowing blessings and comfort na kasama ng mga sufferings na binigay Nya. Kaya kahit umiyak ako ng ilang beses sa harap ng mga katrabaho ko sa kauna-unahang pagkakataon at paminsan-minsan ay nagwoworry ako, hindi ko nakuhang magalit at magtanong sa kanya ng Bakit? Perfect talaga si Lord kasI yung malaman pa lang at marinig ang promises nya ay blessing na dahil kung hindi ko siguro narinig at nalaman ang mga aral nya tungkol sa pagbabata eh siguro hindi ko din naiwasan ang magreklamo at magtanong sa kanya. At siguro hindi ko makikita yung mga blessings na sinasabi nya na kasama sa package ng bawat sufferings. Hindi ko siguro makikita yung blessing sa mga malilit na bagay at pangyayari na dati eh para sa akin ay coincidence lang. Madami talagang blessings na ibibigay si Lord kung lalapit ka lang at isusuko mo ang lahat sa kanya. At siyempre kailangan mong magtiwala na magiging maayos ang lahat sa kanya. Praise God kasi kahit nung una akala ko mahirap, eh nakaraos naman kami. Madali akong nakakuha sa opisina namin ng pambayad ng hospital, at pambili ng gamot, naging supportive din ang boss ko na unahin ang pagtulong sa pag- aalaga ng tatay ko, at naramdaman ko ang overflowing support ng mga taong nagmamahal sa amin dahil sa dami ng mga taong bumisita para kumustahin sya. Kahit hindi mo hingin ibibigay nya basta alam niyang kelangan mo para gumaan ang trabaho mo.
VII
Kaya pagbalik ko dito sa Maynila, nagdecide ako na ituloy ang journey ko para makilala pa Siya at nagdecide ako kahit na alam kong gastos na naman na umattend ng retreat at hindi ako nagsisisi na iginive-up ko ang isang weekend para makasama Siya at kilalanin si Lord Jesus as my Saviour. Naging kabilang na din ako sa mga tinatawag ko dating baduy at corny pero im happy that I’ve given up my old self and decided to become one of the children of God and ready to welcome joy peace and even more sufferings as I continue my journey in life with Jesus.
Amazingly, kahit bago pa lang, I can feel that the Holy Spirit is working in me dahil kung dati ang sia sa pinaka-iniiwasan ko ay ang magdasal sa harap ng maraming tao, kanina sa Monday devotion namin dito sa opisina eh naging madali na sa akin ang magclosing prayer at kung dati eh hindi talaga ako masyadong nagsasalita ng mga magagandang ginawa sa akin ni God, eh kanina ay nakapagshare ako at masarap sa feeling pag alam mong may nainspire sa story mo about sa amazing things na nagawa sayo ni God..
Amen!
Laba, linis, tulog, basa, DVD marathon day naman sa mga homebodies o mga taong-bahay. Pero kung ako lang ang tatanungin, lahat yan applicable sakin, plus minsan, elbi day or friendship day yan, depende sa mood at availability ng fund ko